Monday, November 17, 2008

Buod: Moses, Moses ni Rogelio R. Sikat

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.

Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.

Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya.

Talambuhay ni Rogelio R. Sikat

Isinilang noong 1940, Rogelio R. Sikat, iniwan niya ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950’s para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga “Western writers”.

Ang mga gawa ni Sikat, na nagpabangon sa nakagawiang panitikan natin at nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong 1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto, sumunod sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the Philippines Diliman.

“Impeng Negro” at “Tata Selo”, parehong gawa ni Sikat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sikat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-Liwayway, Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dulang “Moses, Moses”. Namatay si Sikat noong 1997, pero pinarangalan sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang: “Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas.”


Ang wika at ang bayan

Ano ang wika? Ano ang pagkakaugnay nito sa ating bayan? Gaano ba ito kahalaga sa ating bayan?

Ang wika ay ang tunog na lumalabas sa bibig ng tao. Ito ang kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Tunay, ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan at gamit ng wika. kung gayon, ano ang higit na mahalagang kalikasan at gamit ng wika sa tao?

Ang wika ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang indibidwal. Bawat tunog na lumalabas sa kanyang bibig ay naglalarawan ng kanyang damdamin, ng pag-iisip, ang naglalahad ng kanyang nadaramam, ng nais gawin at maging ng mithiin sa buhay.

Ang wika ang nagdadala ng ideya ng tao. Ito ang instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Ito ang dahilan ng maaaring pag-unlad o pag-bagsak ng karunungang pantao. Samakatuwid, ang wika ay kakambal ng pag-unlad ng ating bayan. Ang mabagal na pag-unlad n isang bayan ay nagpapahiwatig din ng mahina at di ganap na paggamit ng kanyang wika. Kung gayon, ang wika ay kinakailangang mahawakan nang buong husay, maangkin nang ganap.

Sagisag din ang wika. Dungawan ito ng kultura ng lipunang pinag-uugatan at gumagamit nito. Ito ang dahilan kung bakit Filipino ang itinadhana sa ating Saligang Batas upang maging tagapagpahayag ng wikang magpapakilala sa ating pinag-ugatang lahi kasabay ng pagtugon nito sa mga pangangailangan ng ating patuloy na nagbabagong panahon sa ating pagtahak sa landas ng pag-unlad.

Samakatuwid, kung nais nating umunlad bilang isang bayan, kailangan paunlarin din natin ang ating sariling wika. Dahil ang pag unlad ng wika at bayan ay magkakambal. Hindi ito mapaghihiwalay sapagkat walang wika kung walang bayan, walang bayan kung walang wika!...

Sunday, November 16, 2008

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


Si
Jose Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda Quintos, ay ang Pambansang Bayani ng
Filipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere, El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

Si Jose Rizal ay ika-pito sa kanilang labing-isang anak nina
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Filipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng Filipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Filipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.

Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) na kabilang sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka. Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa University of Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ituloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya nang lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Kaniya itong ginawa dahil noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang Rudolf Virchow.